
Badtrip ako ngayon. At oo, salin sa Filipino itong walang kwentang entry na ‘to. Kaya pasensyahan muna tayo sa mga mambabasa ko (as if meron) kung hindi niyo maintindihan ang kabulastugang ‘to. Sabi ko nga, badtrip ako ngayon.
Badtrip ako sa maraming bagay. At ang mas nakakainis pa ay puro mga walang kwentang bagay ang sumisira sa araw ko. Kung pwede pa nga lang ibalik ang oras, sana di nalang muna ako gumising sa araw na ito. Sana pwedeng maghybernate ng isang araw tapos sa susunod na araw na ako gigising – sa pag-asang baka mas maganda, mas kapanapanabik at hindi nakakabadtrip ang mga magaganap sa susunod na araw. Kung pwede lang sana.
Nasa harap ako ngayon ng aquarium ng mga goldfish na panay ang dikit sa salamin ng aquarium, nagmamakaawa na bigyan ko na sila ng makakain. Subalit wala ako sa mood. Gutom ako, kaya’t dapat lang na patas ang lahat – dapat gutom rin kayo! *insert evil laugh* Tapos beast mode ulit. Badtrip nga pala ako. Bawal tumawa, kahit evil pa.
Bakit nga ba kailangang makaranas tayo ng isang walang kwentang araw? Bakit ba ipinanganak sa mundo ang mga taong walang ibang papel sa buhay mo kundi sirain ito? Bakit ba may mga taong walang isang salita? Bakit maraming walang pake sa mundo? Bakit maraming atribida? Bakit maraming mapangmata? Bakit hindi pantay ang lahat? Bakit pwede sa iba at hindi para sa akin? Bakit ang daming mahirap sa mundo? Bakit walang tulong na dumarating sa mga nangangailangan? Bakit nagtataingang-kawali ang iilan sa mga nakakarinig naman sa mga hinaing ng iba? Bakit nagbubulag-bulagan ang iba kahit na nangyayari na sa harapan nila ang mga masasama at ilegal na bagay? Bakit hindi pwede magpunta sa mga lugar na matagal mo ng ninananais? Bakit hindi ka kasingswerte ng iba? Bakit pwede nilang gawin kahit anong gusto nila? Bakit ba ako nagkakaganito?
Parang sasabog na ang utak ko. Wala akong mahitang sagot. Patuloy pa rin sa pagsusumamo ang mga goldfish, nagbabasakaling maawa ako.
Awa. Bakasakali. Pag-asa.
Syanga no? Char. Parang may biglang nag-ilaw na lightbulb sa ulo ko. Char lang. WAHAHAHA. Hindi ako genius. Wala akong utak. Kaya nga friends kami ng mga zombie. Hindi nila ako inaatake.
Kinuha ko ang fishfood, pinakain ko ang goldfish. Bababa narin ako, baka may inihaw o nilagang goldfish sa canteen. Kailangan ko ng kumain. May pag-asa pa.
Sana nga.