Fun things to do in the beach, if you don’t know how to swim

 

haha

Ang galing ‘no? Kung sino pa ‘tong di marunong lumangoy, sila pa ‘yung ang hilig-hilig magyaya ng outing, islandhopping, at bitching – ay mali pala – beaching pala. HAHA. Sino ba naman kasi ang hindi gaganahan sa baybayin ng Pilipinas. Sa dinamirami ng mga isla sa bansa – seben tewsen wenhendred seben eylen – ang hirap kayang hindian ang mga paanyaya ng karagatan. Pero sa dinamirami rin ng mga talent na hindi mo nasalo noong namigay ang Diyos – sintonado ka na, puro kaliwa pa ang mga paa – hindi ka pa marunong lumangoy! Grabe, ang swerte mo bes! Pak! Ang sarap mong pakpakan.

Pero no worries na bes, dahil heto na ang ultimate guide na sadyang pinag-aralan ng seben tewsen wendhendred seben na mga researchers sa iba’t ibang panig ng bansa. Sumabak na ang pag-aaral na ito sa iilang proposal, reproposal, defense, redefense bago napagdesisyonan ng panel na ibasura at palitan nalang ng bagong pag-aaral ang paksang ito. Echos lang. Binibitin lang kita. HARHAR.

O siya, heto na. Heto na anga mga bagay na maaari mong gawin sakaling iniwan ka na sa ere ng mga kaibigan mong nagtatampisaw na sa dagat, nakikipaghabulan na sa mga sharks, at sumisirko na kasama ng mga balyena at shokoy.

 1

Uso ‘yan ngayon bes eh. Kunwari nagbebeach pero ang dalang bag talo pa ang magbabackpacking ng isang buong taon. Kulang nalang dalhin na ang refrigerator, aircon, washing machine at buong bahay sa laki ng bag na dala. Hindi yata naorient sa light backpacking. Tapos, akala mo kung ano ang laman, puro pang-OOTD lang pala. HAHA. Oo nga naman, kung hindi ka marunong lumangoy, magpapicture ka nalang kasama ng mainit-init pang two piece na hatid ng Lazada at FoodPanda. Magpose ka ng kung anu-anong pose malapit sa dagat. Hindi mo na kailangang mag-effort sa paglangoy, andami mo pang likes! Pak!

reality-1

Note: Ayos lang kahit malaki ang tiyan mo. Siguraduhin mo lang na marunong mag-angle ang photographer mo o di kaya’y graduate ka ng BS in Editing major in Adobe Photoshop. Kung hindi naman, dagdagan mo nalang ang foundation mo sa mukha, pakapalan na ‘to bes!

2

Maliban sa pagsuswimming, maraming resorts ngayon ang nag-ooffer ng kung anu-anong pagkakaabalahan katulad ng banana boatride, paragliding, kite surfing, fire dancing, yoga, at ang walang kamatayang islandhopping. Hindi prerequisite ang paglangoy dito. May lifevest naman so no worries. Sa gawaing ito, pwede mo ng pakinabangan ang lahat ng OOTD outfit na dala mo. Iba’t ibang outfit sa iba’t ibang isla. Pak! Bongga!

reality2

Note: Magresearch in advance kung may mga kalapit isla ang beach na pupuntahan mo. Sayang ang OOTD kung walang paggagamitan. Nagkakakuba-kuba ka pa man din sa pagdadala sa mga damit mo.

3

Leche. Sabi ng di marunong lumangoy tapos ngayon patatalunin mo? Chakadoll. Pero sino bang may sabing kailangan mong lumangoy? For picture purposes lang ‘yan mga ateng. Paturo ka sa lifeguard kung papaano ang tamang pose tapos, Pak! Instagrammable na! Pag may nagtanong kung wala bang picture sa akmang pagtalon, ihanda mo nalang ang isang buong essay na rason mo. Kesyo nalowbat ang camera o di kaya’y hindi nakuha ng cam ang aktwal na pagtalon at kung anu-ano pang kaekekan sa buhay para makalusot ka. Ipaglaban mo ‘te! Kaya mo ‘yan. Nagawa mo ngang ipaglaban ang ‘ex’ mong chaka, sarili mo pa kaya.

reality3

Note: Siguraduhing mababa lang ang iyong pagbabagsakan sakaling may kaibigan kang may tililing sa utak na bigla nalang sasapian at itutulak ka. Baka Friendship Over ang labas niyan. Para sa perfect angle, pwedeng nasa ibaba ang photographer or nasa gilid. Note of note: Dapat di masyadong obvious na mababaw lang. Sayang ang reputasyon.

4

Bakit kailangan mong magpakahirap lumangoy kung may jacuzzi naman? Tunog mayaman pa ang post mo kung may pa-“chill out” ka pang nalalaman. HAHA. Kung walang jacuzzi, awww… para-paraan ‘te. Gamitin mo nalang ang power of angle and power of edit. Diyan ka naman magaling di ba?

reality4

Note: Kung hirap sa power of angle and power of edit, pwedeng simpleng back and white nalang ang gawin mo tapos dagdagan mo nalang ng quote na madugo. Note of Note: Siguraduhing may koneksyon sa ginagawa mo at sa jacuzzi ang quote ha? Baka naman si Nelson Mandela, Vladimir Putin, Aristotle, Adolf Hitler, o si Mocha Uson pa ang naisipan mong i-quote. Maging mapili, mapanuri, mapagmatyag, mapangahas, MATANGLAWIN!

5

Sa panahon ngayon, kahit sinong mayroong DSLR ay photographer na. Kahit sinong may vsco, snapseed, picsart, o camera360, aba, photo editor na! Tapos kung sino ‘tong marunong magdrama sa harap ng camera – sakit ulo pose, naghahanap ng piso pose, tingnan sa gilid pose, sakit tiyan pose – blagir na! Idagdag mo na rin ang #phoneography mo! Ang saya di ba? At dahil mahilig sa ka bandwagon, makiuso ka nalang friend. Gawing malikot ang iyong isipan at picturan mo lahat ng pwedeng picturan na may kinalaman sa beach – tsinelas, niyog, salbabida, mangroves, isda, corals, shades, payong, wide brimmed hat, bulaklak, lounging chair, lotion, at kung anu-ano pa. Magvolunteer ka na rin na maging official photographer ng barkada total hindi ka naman marunong lumangoy. At least may pakinabang ka. WAHAHAHAHA.

reality5

Note: Siguraduhing may marami kang baong quotes, nakapagdownload ka ng editing apps, at may camera ka. Alangan namang manghiram ka pa. Hindi ka na nga marunong lumangoy, dagdag perwisyo ka pa! WAHAHAHAHAHA.

 

Lahat ng inyong nabasa ay pawing kabulastugan lamang. Huwag seryosohin. Ang puso natin, intindihin. Lahat ng larawan sa itaas ay pawang kuha ni @baditang138 na kinunan pa sa mapagkumbabang barangay ng Kilim sa Baybay, Leyte. Hindi maputi ang buhangin rito at wala masyadong cottages na matatagpuan sa lugar subalit hindi ka naman marunong lumangoy so wag kang choosy. HAHA.

Pwera biro, maraming salamat sa pamilya Fernandez sa pag-adopt sa amin ng dalawang araw, isang gabi at apat na bituin sa kanilang bahay at pagpasyal sa amin sa lalawigan ng Leyte at Timog Leyte. Akalain mo ‘yun? Nadagdagan ng dalawa ang Project81Provinces ko?! HAHA. At bago magtapos itong walang kwentang entry na ‘to gusto ko lang linawin na hindi kinakailangang mamahalin ang resort na pupuntahan para sa mga gala ng barkada. As long as masaya kayong kasama ang isa’t isa, marami kayong pagkain na dala, at may pang-OOTD ka, pak na! Laging isaisip na bawal ang choosy sa mga taong di marunong lumangoy! HAHA. Joke lang.

Hanggang dito nalang at baka ireport niyo na ako. Salamat sa pagbabasa! Hanggang sa susunod!